Bastos ba si Willie Revillame? Oo!, hindi bastos sa paraang panghihipo o pagsasalita ng nga maseselan sa mga babae, bastos siya sa paraang pakikitungo.
Oo, si Willie ay mahal ng maraming tao, ng mga matatanda, ng mga mahihirap at walang kaya sa buhay. Pero naisip niyo ba kung mahal siya ng mga taong, pinahiya niya upang mapatawa lang ang iba. Mga taong pinahiya niya upang mapalakpakan lang siya.
Maraming beses ng nagpahiya si Willie ng tao sa kanyang show, ginagamit niya ang ganitong paraan upang magkaroon ng humor ang kanyang programa. Nakapagbibigay nga ng humor sa iba, nakakasakit naman ng damdamin sa napahiya.
October 22, First Anniversary special ng programa. Binatuhan ng masasakit na salita ni Willie ang mga security guard na nakasuot na t-shirt na blue na may tatak na MIB sa likod. Hinaharangan daw kasi ng mga ito ang mga tao na makalapit sa kanya.
Base sa aking narinig:
"Kayong mga security guard umalis muna kayo dito, hinaharangan niyo ang mga tao, ayoko ng may security guard dito"
Nasabi niya rin na tinutulak ng mga security guard ang mga tao, samakatuwid sinasaktan ng security guard ang mga tao.
Para sa akin kahit hindi ko alam ang tinatakbo ng isip ng mga security guard noong oras na iyon ay masasabi kong nabastos sila ni Willie. Kung ako ang security guard at nasabi sa akin iyon ay magagalit din ako, magdadamdam. Pero who knows mababait naman ang mga security guard.
Maraming may ayaw kay Willie, marami din naman ang may gusto sa kanya. Isa na ako sa mga iyon, gusto ko si Willie dahil natutulungan niya ang mga kapwa kong mahihirap. Ang ayaw ko lang talaga kay Willie ay kapag may napapahiya na dahil sa kanya.
No comments:
Post a Comment