Sunday, October 23, 2011

Enchong Dee, Dying Heart Fans





          Gwapo, Matipuno at Maapeal, ilan lang iyan sa mga katangian ni Enchong Dee na kinababaliwan ng mga kababaihan pati na mga kalalakihan o mga kabadingan. ABS-CBN star, Enchong Dee isa sa pinakahot ngayong artista sa Pilipinas, kilala si Enchong bilang isang magaling na swimmer at magaling na actor katambalan ang magandang dilag na si Erich Gonzales. Dahil nga sa gwapo ang binata, maraming nalilink sa kanya, ilan sa mga ito ay katrabaho niya sa idustriya ng showbiz, babae man ito o kapwa niya lalaki.

          Napaka kontrobersyal ng binatang ito, dahil maraming nagsasabing bading ang binata at nakikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki. Bagay na mariin niyang itinatanggi. Sino ba naman ang aamin na bading ka, kung magdudulot ito ng pagkasira ng iyong imahe. Sinisiraan lang ba siya? Siguro, marahil ay naiingit ang mga ito o gusto lang talaga nilang mag GOOD TIME. Pero para sa akin, lahat ng kontrobersya o issues na kinasasangkutan ng isang artista ay may pinaguugatan.

          Kamakailan lang ay may lumabas na video na sumasayaw umano si Enchong Dee na nakahubad at gumigiling. Agad naman nagbigay ng paglilinaw ang binata.

          "Hindi po ako bading. Hindi po ako ang nasa video, ipinakita lang ang aking picture at ang nagsasayaw ay hindi ako. Hindi ko katawan iyon", Paglilinaw ni Enchong Dee.

          At ito pa, sinabi ni Enchong Dee na VIRGIN pa ito, hanggang ngayon...

No comments:

Post a Comment