Kamakailan lang ay umingay ang usap-usapang hiwalay na ang magkasintahang Mario maurer (thai actor) at Gubgib. Hindi malaman kung ano talaga ang sanhi ng kanilang paghihiwalay.
Ayon sa kanila, desisyon nilang dalawa na sila'y maghiwalay na. 7 years din silang tumagal. Sinasabing napakaloyal ni Mario kay Gubgib, kaya bakit nga ba sila naghiwalay?.
Si Gubgib ay isang tipikal na babae lamang, hindi kagandahan, hindi kapangitan at hindi rin kaseksihan. Kumbaga sa kape, nasa mild lang ito, hindi kasama ang sweet. Dahil sa mga katangiang ito kaya ayaw ng mga fans ni Mario sa nasabing naging karelasyon. Hindi daw sila compatible, dahil napakagwapo ni Maurer at hindi kalevel ni Gubgib. Samahang langit at lupa sabi nga.
Kaya nang makumpirma na sila'y naghiwalay na. Maraming natuwa at nagsaya! Sa dami ba naman ng mga kababaihang humahanga at umiibig sa actor.
Sa ngayon single si Mario Maurer at abala sa kaniyang mga projects. Si Gubgib naman, ngayon ay isa ng artista. Lakas talaga ng impact kapag nakapagrelasyon ka sa isang sikat!
Nakatakdang pumunta sa bansang Pilipinas si Mario Maurer. Siya na ang bagong endorser ng Penshoppe Philippines.
No comments:
Post a Comment