Sunday, October 23, 2011

Mario Maurer Lovelife

                      



          Kamakailan lang ay umingay ang usap-usapang hiwalay na ang magkasintahang Mario maurer (thai actor) at Gubgib. Hindi malaman kung ano talaga ang sanhi ng kanilang paghihiwalay.

          Ayon sa kanila, desisyon nilang dalawa na sila'y maghiwalay na. 7 years din silang tumagal. Sinasabing napakaloyal ni Mario kay Gubgib, kaya bakit nga ba sila naghiwalay?.

          Si Gubgib ay isang tipikal na babae lamang, hindi kagandahan, hindi kapangitan at hindi rin kaseksihan. Kumbaga sa kape, nasa mild lang ito, hindi kasama ang sweet. Dahil sa mga katangiang ito kaya ayaw ng mga fans ni Mario sa nasabing naging karelasyon. Hindi daw sila compatible, dahil napakagwapo ni Maurer at hindi kalevel ni Gubgib. Samahang langit at lupa sabi nga.

          Kaya nang makumpirma na sila'y naghiwalay na. Maraming natuwa at nagsaya! Sa dami ba naman ng mga kababaihang humahanga at umiibig sa actor.

          Sa ngayon single si Mario Maurer at abala sa kaniyang mga projects. Si Gubgib naman, ngayon ay isa ng artista. Lakas talaga ng impact kapag nakapagrelasyon ka sa isang sikat!

          Nakatakdang pumunta sa bansang Pilipinas si Mario Maurer. Siya na ang bagong endorser ng Penshoppe Philippines.

How To Gain White UnderArms





Paano magkakaroon ng Maputing kili-kili?

          Maraming paraan upang magkaroon ka ng maputing kili-kili. Pero da-best parin ang natural! para sa mga walang sapat na pera. Bakit kapa gagastos kungposible naman sa Natural ways na pagpapaputi.

          Pero kailangan mo ng sapat na pasensya. Hindi naman kasi basta basta puputi ang kili-kili kung papahiran molang ito ng deodorant na nagsasabing papuputiin daw nito ang kili-kili.

          Heto na, may mga mabisang paraan upang pumuti ang inyong mga kili-kili. Ang Tawas at Calamansi.





Pagamit ng Tawas (durog)



          Hindi lang ito nakakaputi ng kili-kili, nakakaalis din ito ng sobrang pagpapawis ng kili-kili at body-odor.

Paraan ng paggamit ng Tawas:
1. Matapos maligo, magpahit sa kili-kili ng durog na tawas.
2. Gawin ito araw-araw.



Pagamit ng Calamansi



          Nakakaputi ang kalamansi dahil sa bleach na taglay nito.

Paraan ng paggamit ng Calamansi:
1. Hiwain ang calamansi.
2. Ipahid ang calamansi sa magkabilang kili-kili.
3. Gawin ito (3) tatlong beses sa isang araw.
*pagkagising, bago maligo, bago matulog

Enchong Dee, Dying Heart Fans





          Gwapo, Matipuno at Maapeal, ilan lang iyan sa mga katangian ni Enchong Dee na kinababaliwan ng mga kababaihan pati na mga kalalakihan o mga kabadingan. ABS-CBN star, Enchong Dee isa sa pinakahot ngayong artista sa Pilipinas, kilala si Enchong bilang isang magaling na swimmer at magaling na actor katambalan ang magandang dilag na si Erich Gonzales. Dahil nga sa gwapo ang binata, maraming nalilink sa kanya, ilan sa mga ito ay katrabaho niya sa idustriya ng showbiz, babae man ito o kapwa niya lalaki.

          Napaka kontrobersyal ng binatang ito, dahil maraming nagsasabing bading ang binata at nakikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki. Bagay na mariin niyang itinatanggi. Sino ba naman ang aamin na bading ka, kung magdudulot ito ng pagkasira ng iyong imahe. Sinisiraan lang ba siya? Siguro, marahil ay naiingit ang mga ito o gusto lang talaga nilang mag GOOD TIME. Pero para sa akin, lahat ng kontrobersya o issues na kinasasangkutan ng isang artista ay may pinaguugatan.

          Kamakailan lang ay may lumabas na video na sumasayaw umano si Enchong Dee na nakahubad at gumigiling. Agad naman nagbigay ng paglilinaw ang binata.

          "Hindi po ako bading. Hindi po ako ang nasa video, ipinakita lang ang aking picture at ang nagsasayaw ay hindi ako. Hindi ko katawan iyon", Paglilinaw ni Enchong Dee.

          At ito pa, sinabi ni Enchong Dee na VIRGIN pa ito, hanggang ngayon...

Wil Time Big Time, First Anniversary Controversy





          Bastos ba si Willie Revillame? Oo!, hindi bastos sa paraang panghihipo o pagsasalita ng nga maseselan sa mga babae, bastos siya sa paraang pakikitungo.

           Oo, si Willie ay mahal ng maraming tao, ng mga matatanda, ng mga mahihirap at walang kaya sa buhay. Pero naisip niyo ba kung mahal siya ng mga taong, pinahiya niya upang mapatawa lang ang iba. Mga taong pinahiya niya upang mapalakpakan lang siya.

          Maraming beses ng nagpahiya si Willie ng tao sa kanyang show, ginagamit niya ang ganitong paraan upang magkaroon ng humor ang kanyang programa. Nakapagbibigay nga ng humor sa iba, nakakasakit naman ng damdamin sa napahiya.

          October 22, First Anniversary special ng programa. Binatuhan ng masasakit na salita ni Willie ang mga security guard na nakasuot na t-shirt na blue na may tatak na MIB sa likod. Hinaharangan daw kasi ng mga ito ang mga tao na makalapit sa kanya.

Base sa aking narinig:
"Kayong mga security guard umalis muna kayo dito, hinaharangan niyo ang mga tao, ayoko ng may security guard dito"
Nasabi niya rin na tinutulak ng mga security guard ang mga tao, samakatuwid sinasaktan ng security guard ang mga tao.

          Para sa akin kahit hindi ko alam ang tinatakbo ng isip ng mga security guard noong oras na iyon ay masasabi kong nabastos sila ni Willie. Kung ako ang security guard at nasabi sa akin iyon ay magagalit din ako, magdadamdam. Pero who knows mababait naman ang mga security guard.

          Maraming may ayaw kay Willie, marami din naman ang may gusto sa kanya. Isa na ako sa mga iyon, gusto ko si Willie dahil natutulungan niya ang mga kapwa kong mahihirap. Ang ayaw ko lang talaga kay Willie ay kapag may napapahiya na dahil sa kanya.